FACT CHECK: Hindi totoong walang dinaluhang debate si PNoy noong 2010 elections | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi totoong walang dinaluhang debate si PNoy noong 2010 elections

FACT CHECK: Hindi totoong walang dinaluhang debate si PNoy noong 2010 elections

Ann Charrize Calusa,

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Feb 07, 2022 07:15 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/02/07/20220207-abscbn-fact-check.jpg

Hindi totoo ang pahayag ni Alex Magno sa kaniyang opinion column kamakailan na walang dinaluhang debate si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong siya ay kumakandidato sa pagka-presidente noong 2010.

Sa kanyang column na inilathala ng The Philippine Star noong January 27, 2022, isinulat ni Magno na: “No one remembered that Noynoy Aquino did not participate in the 2010 debates.”

Pero taliwas sa akusasyon ni Magno, hindi bababa sa tatlong presidential forum at debate ang dinaluhan ng yumaong pangulo.

Una rito ay ang 'Harapan: The Presidential Forum' na inorganisa ng ABS-CBN News Channel at ginanap sa University of Sto. Tomas noong Disyembre 2, 2009. Isa si Aquino sa pitong kandidato sa pagka-Pangulo na sumagot sa mga katanungan mula sa mga botante at mga kabataan.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Enero 29, 2010 naman nang dumalo si Aquino sa ANC Youth 2010 Presidential forum na ginanap sa De La Salle University campus. Isa siya sa walong kandidatong dumalo sa forum upang kumbinsihin ang mga kabataang siya ang karapat-dapat na maging pinuno ng bansa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maliban sa dalawang forum na ito, dumalo rin si Aquino sa Philippine Daily Inquirer Presidential Debate na ginanap sa University of the Philippines-Diliman noong Pebrero 8, 2010, isang araw bago magsimula ang campaign period.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang dating pangulo ay pumanaw noong Hunyo 24, 2021.

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.