FACT CHECK: Hindi naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng bagong pera | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng bagong pera

FACT CHECK: Hindi naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng bagong pera

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:42 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/life/02/06/20230206-fact-check.jpg

Walang inilabas na bagong pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), taliwas sa mga kumakalat na post sa social media.

Makikita sa mga social media post na ito ang pinagsama-samang banknote ng P1,000, P500, P150, at P5,000, at ang P100 coin.

Sa mga perang ito, tanging ang P1,000 polymer banknote lamang ang nasa sirkulasyon ng BSP, ngunit ang bagong disenyong ito ay inilabas noon pang 2022.

Ang P150 banknote ay peke, samantalang ang disensyo ng P500 banknote naman ay manipulado.

ADVERTISEMENT

Ang P5,000, banknote at ang P100 coin naman ay parehong commemorative currency na inilabas noong mga nakaraang taon kaya’t wala rin sila sa sirkulasyon ng BSP.

Nito lamang Pebrero 2, naglabas ng pahayag ang BSP sa kanilang opisyal na social media account tungkol sa pekeng P150 banknote na mayroong mukha ni Dr. Jose Rizal. Mariin nilang itinanggi ang diumano’y paglabas ng bagong P150 banknote.


Ang tanging inilabas ng BSP ay ang P150 commemorative coin para sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani noong 2011.

Dati na ring na-fact check ng ABS-CBN ang pekeng P500 banknote kung saan makikitang pinalitan ng imahe ng tarsier ang larawan nina dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino at kanyang asawa na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ang P5,000 banknote naman ay isang commemorative note para sa ika-500 anibersaryo ng Battle of Mactan noong 2021. Sa banknote na inilabas ng BSP, makikita ang larawan ni Lapu-Lapu, imahe ng Battle of Mactan, at ang Karakoa o sasakyang pandigma na gamit ng mga indigenous Filipinos.

Samantala, ang P100 commemorative coin ay inilabas noong 2017 para sa ika-100 taong anibersaryo ng Muntinlupa City bilang isang independent municipality. Makikita sa barya ang Muntinlupa City Hall, kanilang city seal, at ang Muntinlupa Centennial Logo.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/life/02/06/20230206-bsp.jpg

Paalala ng BSP sa publiko, suriing mabuti ang mga impormasyong nababasa sa social media. Maaari rin daw i-check ang mga opisyal na pera sa kanilang website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.