FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa mabisang gamot sa hypertension | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa mabisang gamot sa hypertension

FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa mabisang gamot sa hypertension

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Jan 19, 2024 04:08 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2024/news/01/19/01192024-fact-check.jpg

Hindi totoo at manipulado ang diumano’y news report ni ABS-CBN anchor Henry Omaga-Diaz tungkol sa isang gamot para sa hypertension na gawa umano ng cardiologist na si Doc Willie Ong.

Inalerto ng Rappler Fact Check ang ABS-CBN tungkol sa nasabing news report na kumakalat sa social media platforms na Facebook at Instagram.

Ginamit sa manipuladong video ang logo at header ng ABS-CBN news website. Makikita rito si Omaga-Diaz sa karaniwang set-up ng TV Patrol.

Nakalapat sa gilid ng pekeng video ang imahe ng isang kahon ng gamot na tinatawag na “Vascolex.” Hindi nakalista ang Vascolex bilang aprubadong gamot sa Verification Portal ng Food and Drug Administration (FDA).

ADVERTISEMENT

Sa ibaba ng pekeng video, nakalapat ang tekstong “HIPERTENSION PROBLEMS, FILIPINOS ARE DYING FROM CLOGGED ARTERIES.” Kapansin-pansin na mali ang spelling ng hypertension.

Ayon sa pekeng news report, iniligtas umano ni Ong si dating Senador Manny Pacquiao sa pamamagitan ng pagrekomenda ng nasabing gamot sa hypertension.

Ipinakita sa pekeng news report ang video ni Ong na manipulado ang bibig at boses upang magmukhang nirerekomenda ng doctor ang gamot at ginagarantiya ang pagiging epektibo nito. Mapapansin na sa ilang parte ng video ay hindi tugma ang boses ni Ong sa buka ng kanyang bibig.

Ang orihinal na video ay ini-upload sa lehitimong YouTube channel ni Ong noong Setyembre 2018. Dito, ibinahagi ni Ong ang mga tips para maiwasan ang high blood, diabetes, at mataas na cholesterol. Walang nabanggit na gamot si Ong.

Hindi ito ang unang beses na minanipula at pinagmukhang lehitimong account ng ABS-CBN ang mga news report tungkol sa mga pekeng gamot para sa hypertension.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa mga lehitimong website ng ABS-CBN News at mga lehitimong social media accounts tulad ng YouTube, Facebook, X (Twitter), at Instagram.







ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.