FACT CHECK: Impostor na “ABS-CBN News” site, nagpopromote ng gamot para sa hypertension | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Impostor na “ABS-CBN News” site, nagpopromote ng gamot para sa hypertension

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jan 04, 2024 06:34 PM PHT

Isang scam website na nagpapanggap na ABS-CBN News ang nagpopromote at nagbebenta ng gamot para sa hypertension na diumano’y gawa ng cardiologist na si Doc Willie Ong.

Inalerto ng VERA Files Fact Check ang ABS-CBN tungkol sa website na gamit ang logo ng ABS-CBN News at naglabas ng artikulo tungkol sa isang panayam kay Ong tungkol sa diumano’y natuklasan niyang lunas sa hypertension.

Ang pekeng artikulo sa scam website ay may headline na “Sensation! Professor Willie Ong has found a way to cure hypertension (Get rid of blood pressure problems) once and for all in two weeks!”

Itinampok sa artikulo ang diumano’y panayam ni Ong at ng “The Interviewer” host na si Boy Abunda kung saan kinuwento ng doktor kung papaano umano niya nagawa ang gamot na tinatawag na “Neocardia.”

Ang Neocardia ay diumano’y nagpapagaling ng hypertension sa pamamagitan ng pagtanggal ng bara sa blood vessels, pagpapalakas ng mga capillary, at pagtanggal ng kolesterol sa katawan sa loob lamang ng dalawang linggo.

Sa dulo ng pekeng artikulo, makikitang binebenta ang Neocardia sa halagang P1,990.

Ang mga larawan na ginamit sa artikulo ay mga screenshot na kuha mula sa panayam ni Ong noong Abril 2022 kay Abunda nang tumakbo siya bilang bise presidente. Hindi nabanggit sa panayam ang Neocardia.

Hindi rin nakalista ang Neocardia bilang aprubadong gamot sa Verification Portal ng Food and Drug Administration (FDA).

Ginaya ng scam website, na may link na nagsisimula sa qy14.poremu.com, ang layout at kulay ng ABS-CBN News website, na may lehitimong link na news.abs-cbn.com.

“ABS-CBN News and its website and social media accounts did not report or post these items and have nothing to do with these links purportedly reporting about a hypertension cure,” paliwanag ni Arlene Burgos, ang head of engagement and partnerships ng ABS-CBN News Digital.

Read More:
ABS-CBN website
ABS-CBN fake website
hypertension cure
Willie Ong
misinformation
disinformation
ABS-CBN Investigative and Research Group?
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT