FACT-CHECK: Ilalagay na nga ba sa Alert Level 5 ang buong Luzon? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT-CHECK: Ilalagay na nga ba sa Alert Level 5 ang buong Luzon?

FACT-CHECK: Ilalagay na nga ba sa Alert Level 5 ang buong Luzon?

Fact-checked by the ABS-CBN News Investigative and Research Group

Clipboard

FACT-CHECK

Enero 3 nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19. Kasabay nito ang pag-post ng isang Facebook page na nagngangalang “DSWD AYUDA” na isasailalim ang buong Luzon sa Alert Level 5 o “Hard lockdown.”

Ang dalawang post ng naturang page ay may caption na “BAD NEWS! ALERT LEVEL 5 (HARD LOCKDOWN), IPAPATUPAD NA SA BUONG LUZON!” at “ALERT LEVEL 5, IPAPATUPAD SA BUONG LUZON SIMULA NGAYONG ARAW!”

Dec. 31, 2021 nang ideklara ng pamahalaan ang pagsasailalim sa Metro Manila at mga karatig na probinsya sa Alert Level 3 mula Jan. 3-15. Kasunod nito, idineklara rin ang Alert Level 3 sa iba pang mga lugar at probinsiya mula Jan. 9-15.

Noong Jan. 12, hinabaan ang Alert Level 3 hanggang Jan. 31 sa Metro Manila at ilan pang karatig probinsiya. Dagdag pa dito ang 28 pang probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Pero wala pang anumang deklarasyon ang gobyerno tungkol sa pagsasailalim sa Alert Level 5 sa buong Luzon.

Ang naturang Facebook Page, bagamat may pangalang “DSWD AYUDA,” ay hindi opisyal na Facebook page ng Department of Social Welfare and Development.

Hindi ito ang unang pagkakataong ginamit ang pangalan ng DSWD sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Kaya’t paalala sa mga mamamayan: bago maniwala, kilatisin munang mabuti ang account kung ito ay opisyal na account of Facebook page ng ahensya ng gobyerno.

Basahin ang ilang tips kung paano susuriin kung tunay ang isang Facebook page dito.

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.