Carlos Yulo nag-ambag ng panibagong Olympic records para sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Carlos Yulo nag-ambag ng panibagong Olympic records para sa Pilipinas

Carlos Yulo nag-ambag ng panibagong Olympic records para sa Pilipinas

Patrol ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA — Gumuhit ng kasaysayan ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Olympics sa Paris, France kasabay ng pagmarka ng Pilipinas sa ika-100-taon ng partisipasyon nito sa global sporting games.

Nasungkit ni Yulo ang kauna-unahang dalawang ginto ng bansa sa iisang Olympics matapos bumida sa men’s floor exercise at vault finals ng men's artistic gymnastics.

Siya rin ang unang lalaking Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya para sa bansa.

Wagi rin ngayong taon ang Pinoy boxers na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio na nagwagi ng bronze medals.

ADVERTISEMENT

Mula nang unang manalo ng medalya para sa bansa si Teofilo Yldefonso sa breaststroke event ng 1928 games sa Amsterdam, nakakolekta na ang Pilipinas ng 3-5-10 (gold-silver-bronze) medals sa Olympics.

At sa pagsabak ng Team Philippines sa Paris, itinanghal din itong best-performing sa mga bansa sa Southeast Asia.

– Ulat ni Paige Javier, Patrol ng Pilipino

Video produced and edited by Cyl Pareja

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.