SILIPIN: Bahay kung saan lumaki si Margielyn Didal | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SILIPIN: Bahay kung saan lumaki si Margielyn Didal

SILIPIN: Bahay kung saan lumaki si Margielyn Didal

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Noon pa man ay matayog na ang pangarap ni Margielyn Didal para magkamit ng tagumpay sa larangan ng skateboarding.

Isa umano sa mga nagpapatunay sa matagal nang pagkahilig ni Margielyn sa naturang sport ang mga skateboard na nakakabit sa kaniyang kuwarto sa maliit na barong-barong kung saan siya lumaki.

Ipinasilip ng ina na si Julie sa "Rated K" ang bahay kung saan lumaki si Margielyn, sa may Barangay Lahug, Cebu City.

Bukod sa koleksiyon ng mga board, mayroon ding koleksiyon ng mga sapatos si Margielyn, na patunay rin daw sa mataas na pangarap ng 19 anyos na atleta.

ADVERTISEMENT

Nag-uwi ng karangalan si Didal para sa Pilipinas na nagdaang Asian Games matapos magkamit ng gintong medalya para sa women's street skateboarding champion.

Makatatanggap din si Margielyn ng aabot sa P6 milyon bilang insentib, na ayon sa kaniya ay makatutulong sa kanilang pamilya.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.