Asian Games: Pinay skateboarder alay ang ginto sa inang street vendor, amang karpintero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Asian Games: Pinay skateboarder alay ang ginto sa inang street vendor, amang karpintero

Asian Games: Pinay skateboarder alay ang ginto sa inang street vendor, amang karpintero

Karl Cedrick Basco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 30, 2018 02:42 AM PHT

Clipboard

Humantong sa isang gintong medalya ang ipinakita ni Margielyn Didal sa skateboarding sa 2018 Asian Games na ginanap sa lungsod ng Palembang, Indonesia, Miyerkoles. Edgar Su, Reuters

Wala nang mas sasaya pa sa hatid na kaligayahan ng gintong medalya para sa women's street skateboarding champion ng 2018 Asian Games na si Margielyn Didal.

Hindi lamang karangalan sa bansa ang kaniyang iuuwi sa Pilipinas ngunit pati rin kasiyahan sa puso ng kaniyang mga magulang na pinag-aalayan niya ng kaniyang tagumpay sa nasabing kompetisyon.

Nagbebenta ng kwek-kwek ang ina ng reyna ng skateboarding sa Asya habang ang kaniyang ama ay isang karpintero sa Cebu.

"Super happy po kasi sobrang laking tulong lalo na sa family at sa lahat ng skaters sa Pilipinas," pahayag ni Didal sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Bukod sa medalya, makatatanggap din ng aabot sa P6 milyon bilang insentibo si Didal na ayon sa kaniya ay magiging malaking tulong para sa kaniyang pamilya.

"Super happy po kasi sobrang laking tulong lalo na sa family at sa lahat ng skaters sa Pilipinas," ani Didal matapos ang kaniyang laban sa Palembang, Indonesia. "Magtatayo ako ng negosyo sa para sa pamilya ko."

Ipinahayag din ng atleta na nais niyang kuhanan ng pasaporte ang kaniyang magulang pagbalik nito sa bansa upang maisama niya sa mga susunod pang niyang laban.

Naiuwi ni Didal ang ikaapat na gintong medalya ng Pilipinas sa Asiad nitong Miyerkoles matapos igupo ang pito pang ibang kalahok sa iba't ibang panig ng Asya.

Nagtala ng kabuuang 30.4 puntos si Didal kontra sa 25.0 na isinumite ng silver medalist na si Kaya Isa ng Japan at 19.8 ni Bunga Nyimas ng Indonesia.

Si Didal din ang ikalimang Pilipina na tutuntong sa pinakamataas na podium sa Asian Games 2018 matapos ang matagumpay na kampanya nina Hidilyn Diaz ng weightlifting at mga golfer na sina Lois Kaye Go, Bianca Pagdanganan, at Yuka Saso.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.