TINGNAN: Hidilyn ipinasilip ang unang meal kasama ang BF matapos mag-gold | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Hidilyn ipinasilip ang unang meal kasama ang BF matapos mag-gold

TINGNAN: Hidilyn ipinasilip ang unang meal kasama ang BF matapos mag-gold

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Walang paglagyan ang kasiyahan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz nang masungkit ang unang ginto ng Pilipinas sa Olympics nang manalo siya sa women's 55kg event.

Ilang oras matapos niyang makuha ang record breaking na 127kg sa clean and jerk sa Tokyo Olympics, ibinahagi naman ni Diaz sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng kaniyang vlog ang unang meal o kinain niya matapos ang pagkapanalo nitong Lunes ng gabi.

Madaling-araw na ng Martes nang makapunta sa main dining hall si Diaz kasama ang kanyang nobyo na si Julius Naranjo na siya ring tumatayong professional coach niya sa weightlifting.

Unang kinuha ni Diaz ang isang slice ng pizza.

ADVERTISEMENT

Tila mini-tour ang ginawa ni Diaz sa lugar kung saan kumakain ang mga Olympian, habang hinahanap niya ang Japanese cuisine counter kung saan siya kumuha ng sushi at udon.

"Alam niyo kung saan ko gustong kumuha, kumain -- Japanese cuisine. Iyan, Japanese cuisine. This is the place I want to go. Siyempre my sushi give me some sushi . . . Gusto ko rin ng udon kasi Japanese ito," ani Diaz.

Samantala, kinuha naman ni Diaz ang pagkakataon na hingin ang reaksiyon ng kanyang nobyo sa kanyang pagkapanalo.

Tanong ni Diaz kay Naranjo: "What is your reaction today after I lift the 127? Did you believe it?"

Sagot naman ni Naranjo: "I believed it. The moment you stood it up, I knew you're gonna jerk it."

Sunod-sunod din ang naging tanong ni Diaz kay Naranjo tungkol sa ginawa nilang training.

ADVERTISEMENT

"What did you do in the adjustment in training? What are the challenges you've been through? Who are the people behind us?" tanong ni Diaz.

"We have Team HD. So we just try to make sure that you hit 90 in training, 94 in training twice for our heavy loads. We just built your confidence. Your physical strength is there, but if you're not confident then you can't use it to your full potential," paliwanag ni Naranjo na masaya sa pagkapanalo ng nobya.

Sa vlog ay muli ring nabanggit ni Diaz ang plano niya na maglabas ng libro para makapagbigay inspirasyon sa iba.

"Abangan niyo rin na iinterbiyuhin ko rin ang Team HD. Sabi ko gagawa kami ng libro. Team HD, the dream team after kong manalo to give inspiration sa mga bata. Sa mga opisyal and everyone in Philippines. Para malaman nila ano ba ang mindset ng isang Olympic champion. Sana bibili kayo kapag may libro na," ani Diaz.

"Gusto ko ring malaman ano ang nasa isip nila kasi ang last time na [na-frustrate] ako, sabi 'Alam mo Hids, OK lang 'yan masyadong mataas ang standard mo.' And ganoon talaga kaya nga Olympian," dagdag ni Diaz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.