PatrolPH

Tennis: Fil-Canadian Leylah Fernandez nakuha ang unang WTA title

Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2021 05:46 PM

 

Tagumpay ang Filipino-Canadian na si Leylah Fernandez sa WTA Monterrey Open sa Mexico kamakailan.

Ito ang unang professional tournament win ni Fernandez na may tatay na taga-Ecuador at nanay na Pilipina. Canada ang kanyang bansang nire-represent sa mga laro.

Tinalo ng 18 year old na si Fernandez ang WTA Ranked 129 na si Viktorija Golubic mula sa Switzerland. Ang iskor ng kanilang sets ay 6-1, 6-4. 

Si Fernandez ay nanalo ng $235,000 na may katumbas na mga P11 million. 

Inaasahan din na aakyat ang kanyang world ranking mula 88 papuntang 69. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.