Marami kaming nabigong kababayan: Scottie Thompson | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marami kaming nabigong kababayan: Scottie Thompson

Marami kaming nabigong kababayan: Scottie Thompson

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

Clipboard

Si Scottie Thompson habang napapaligiran ng mga Jordanians. Mark Demayo, ABS-CBN News
Si Scottie Thompson habang napapaligiran ng mga Jordanians. Mark Demayo, ABS-CBN News

BOCAUE, Bulacan — Aminado si Scottie Thompson ng Gilas Pilipinas na malaki ang kanyang pagkadismaya noong hindi niya nai-shoot ang crucial free throws sa dulo ng kanilang laban kontra Jordan nitong Lunes sa pang huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Iginapang nilang makabalik mula sa 25-point deficit at may pagkakataon nang makuha ang lamang may 30 seconds na lang ang nalalabi, nang magmintis siya sa parehong free throws niya.

"Actually may chance kaming manalo sa free throw ko. Andami naming nabigong kababayan. 'Yun ang pinaka crucial, 'yung free throw ko," pag-amin niya pagkatapos malasap ang 91-90 heartbreak sa kamay ng Jordan.

"Dito pa nangyari in front of Filipinos. But I have to learn from this and get better."

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Gilas coach Chot Reyes kay Thompson na hindi niya kailangang malungkot dahil may natutunan naman sila sa laro.

Pagkakataon din aniya ito para ma-motivate at mag-improve pa lalo si Thompson.

"Well, I told Scottie not to get down on himself," sabi ni Reyes.

Dagdag pa niya, si Thompson pa nga ang nakakuha ng rebound pagkamintis ng kanyang free throw. 'Yun lang din, hindi rin naman nai-shoot ni Ray Park ang kanyang panghuling tira.

"Those things happen and Scottie is going to be a much better player from that," sabi ni Reyes. "When it matters, I don't think Scottie will miss again."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.