PBA: Calvin Abueva sa trade sa Magnolia — ‘Nakaka-shock’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBA: Calvin Abueva sa trade sa Magnolia — ‘Nakaka-shock’

ABS-CBN News
Published Feb 17, 2021 10:37 PM PHT

Aminado si Calvin Abueva na di niya inasahang mate-trade siya mula Phoenix Super LPG papuntang Magnolia.

Wika ng many-time PBA all-star nabalitaan lang niya sa kaibigan na miyembro na siya ng Hotshots kapalit ni Chris Banchero at dalawang draft picks.

"Nakaka-shock. Hindi ko alam kung anong reaksyon ko e," kuwento ni "The Beast" sa panayam sa 2OT. "'Yung friend ko lang ang unang nakaalam kasi low batt ako kanina. Iyon nagulat ako natrade na ako."

Excited si Abueva sa lilipatang team lalo't naroon ang dati niyang San Sebastian teammate at parte ng "Pinatubo Trio" na si Ian Sangalang.

"Alam naman nating nu'ng college pa magkasangga kayo . . . Ito ang first time na sa ilang years namin sa PBA nagkakampi na rin kami," ani Abueva.

"Maganda ang kalalabasan nito at sulit lahat ng mga mangyayari sa amin."

Inamin din ni Abueva na kahit papaano ay nalungkot rin siya ngayong iiwan na niya ang Phoenix na siyang naging koponan niya mula 2018.

Dagdag niya maganda rin ang pinagsamahan nila nina coach Topex Robinson na coach din niya sa San Sebastian, at si Matthew Wright.

Lumakas din ang tiwala ni Abueva sa Phoenix management lalo na noong siya ay masuspinde sa liga ng mahigit isang taon.

"Nu'ng bubble kami-kami magkakatropa . . . Kayo lang magkita-kita saan mang sulok ng hotel nandoon pa rin. Masakit iwanan ang Phoenix, pero ang kinagandahan nito napunta ako sa magandang p'westo," sabi ni Abueva.

Ang kinagulat nga lang niya ay parang madali siyang isinuko ng Phoenix sa kabila ng kanilang samahan. Kamakailan lang pumirma pa siya ng 3-year contract extension sa Fuel Masters.

"Wala akong sama ng loob sa Phoenix. Wala akong tsetse-buretse. Andyan sila gumabay sila sa akin, hindi nila ako pinabayaan," aniya.

"Ngayon nabigla ako, saan ka na napunta? Ginive up nila kaagad. Bigla kang binitawan. Pero talagang darating at darating ang sitwasyon na matetrade ka talaga."
Ngayong parte na siya ng Purefoods franchise, ipinangako ni Abueva na maspagbubutihan niya sa laro dahil kilalang premyadong koponan ang Hotshots.

"Ibibigay ko ang best ko. Kung ano'ng binibigay kong best sa mga team ko dati, dodoblehin ko ngayon," aniya.

FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT