PatrolPH

UAAP: Pido Jarencio magbabalik UST?

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2023 06:02 PM

Coach Pido Jarencio. PBA Images
Coach Pido Jarencio. PBA Images

Magbabalik umano bilang head coach ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers ang dating PBA coach na si Pido Jarencio.

Ito ay matapos magbitiw sa puwesto ang kapwa UST legend na si Bal David.

Ayon sa Tomasino Web, magsisimula ang termino ni Jarencio bilang UST coach para sa UAAP Season 86 men's basketball tournament.

Bago nahirang na NorthPorth coach si Jarencio, nagsilbi rin siyang head coach ng koponan sa loob ng walong seasons.

Nagawa niyang igiya ang UST sa men's championship noong Season 69 kung saan nakuha nila ang ika-18 titulo nila sa UAAP. Sa sumunod na nga taon, tatlong beses nilang narating ang UAAP finals.

Kamakailan lang ay nahirang si Jarencio bilang NorthPort team manager kung kaya nagbukas sa kanya ang pagkakataong magbalik sa UST.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.