Konsehal na tutol sa POGO, nanumpa bilang acting mayor ng Bamban, Tarlac

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Konsehal na tutol sa POGO, nanumpa bilang acting mayor ng Bamban, Tarlac

ABS-CBN News Intern,

Acel Fernando

Clipboard

Oath-taking ni Bamban Acting Mayor Erano Timbang. Screenshot mula sa DILG/Facebook livestream 

Pansamantalang hahalili kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang isang councilor na dating kinontra ang pagpasok ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bayan. 

Tinanggal ng Ombudsman sa puwesto si Guo ngayong linggo dahil sa grave misconduct matapos siyang maugnay sa operasyon ng iligal na POGO sa Bamban.  

Magsisilbing acting mayor si Councilor Erano Timbang kapalit ni Guo, habang hindi pa nakukumpleto ni Vice Mayor Leonardo Anunciacion ang 3-buwan na suspensyong ipinataw sa kanya ng Ombudsman dahil sa pagkakadawit din sa usapin ng POGO.  

Dati nang kinontra ni Timbang ang paglalabas ng permit para sa Bamban POGO na sinalakay ng mga awtoridad noong Marso dahil sa umano’y human trafficking. 

“Ako lang po ‘yung nag-iisa na nag-oppose... Noong panahon po na iyon e outnumber po ako,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo. 

Sa ngayon, wala nang POGO sa Bamban, sabi ni Timbang. 

“Nakita ko rin po ang kaibahan ng [may] POGO at noong walang POGO,” dagdag niya. 

Tumanggi naman ang opisyal na idetalye ang kaniyang obserbasyon. Katwiran niya, “‘Yung mga kaso na iyon nasa korte na po, at napakahirap pong magsalita, lalo na po sa katayuan ko.”  

“Nakatuon kami sa proyektong magdadala ng pagbabago at muling maghilom po ang bayan namin, ng Bamban… at lalong-lalo na po sa mga imprastraktura na magpapadali sa mga pang-araw-araw na buhay ng mga kababayan po namin,” sabi ni Timbang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.