Labi ng 11-anyos na hinihinalang rape victim natagpuan sa gubat | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labi ng 11-anyos na hinihinalang rape victim natagpuan sa gubat

Nagimbala ang mga taga-General Trias City sa Cavite nang matagpuan nitong Martes ng umaga ang bangkay ng 11-taong-gulang na batang babae sa masukal na bahagi ng Barangay Sta. Clara.

Hinihinalang ginahasa pa bago pinatay dahil tanging ang underwear na lamang ang suot ng biktima.

“Sana tulungan nyo ako makamit ang hustisya ng anak ko, marami po pangarap 'yun. Bakit ginawa yun sa anak ko. Puwede naman buhayin yun,” sabi ni Melissa Moreño, ina ng biktima.

Pero ayon sa General Trias City Police, hinihintay pa nila ang autopsy report para makumpirma kung ginahasa ang biktima.

ADVERTISEMENT
Sa inisyal na pagsusuri, napag-alaman na sinakal ang biktima gamit ang baging.

Hindi muna nagbigay ng iba pang detalye ang General Trias City Police dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Linggo ng alas-9 ng gabi nang huling makita na buhay ang biktima matapos na magpunta sa terminal ng tricycle para humingi ng pera sa ama na pumapasada.

Pero walang naibigay na pera ang ama at pinauwi na lamang ang anak.

Pagdating ng bahay ng ama matapos ang pamamasada, hindi niya natagpuan ang anak.

Nang umabot ng ala-1 ng madaling araw na hindi pa rin umuuwi ang anak, dito na nagsimulang maghanap ang kaniyang ama.

Napilitan na rin umuwi ang ina ng bata na si Melissa na nagtatrabaho na helper sa Maynila.

Matapos ang ilang araw na paghahanap, natagpuan ng isang lalaki na naghahanap sana ng gulay na labong sa gubat ang bangkay ng biktima nitong Martes.

“Sana makarma ka, hindi hayop ang anak ko. Tao po siya,” sabi ni Melissa.

Sa darating na school year, Grade 6 na sana ang biktima.

Nag-alok na ng P50,000 na pabuya ang LGU ng General Trias City para sa agad na malutas ang kaso.

Ayon kay Mayor Jon-Jon Ferrer, may sinusundan nang lead ang mga pulis para malutas ang kaso.

Hinihinalang kakilala rin ng biktima ang salarin.