19-anyos arestado sa Quezon City dahil sa reklamong rape | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
19-anyos arestado sa Quezon City dahil sa reklamong rape

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

ANTIPOLO, Rizal – Arestado sa Quezon City nitong Sabado ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa reklamong statutory rape.

Hindi na nakapalag pa ang lalaki nang mahuli sa Barangay Tatalon na pinaghahanap ng pulisya nang higit apat na buwan na.

Inireklamo noong isang taon ang lalaki ng magulang nang isang 14-anyos na babae na umano'y nakatalik nito.

Pinapapatay umano ng lalaki ang CCTV sa babaeng biktima tuwing bumibisita siya sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT
“Doon sa investigation noong bago pa lang ine-examine ang case, 'yung lalaki ay suitor niya. Meaning, nagkaroon sila ng relationship. And then dumating sa punto na 'yung guy pumupunta sa bahay ng babae at hindi alam ng parents,” sabi ni PLt. Divina Rafael, duty officer ng Antipolo Police Station.

“Dahil minor pa ang batang babae, kapag inutos ng lalaki na patayin ang CCTV, as in, pinapapatay talaga. Ino-off niya 'yun tapos pupunta si guy,” dagdag ni Rafael.

Nadiskubre ang relasyon ng dalawa nang mabasa ng nanay ng biktima ang palitan nila ng mensahe ng lalaki. Sabi ng pulis, nagkakilala ang suspek at biktima dahil kaklase ng kapatid ng biktima ang suspek at magka-barangay sila.

Ibinaba ng korte ang arrest warrant sa 19-anyos na suspek Enero ngayong taon.

“Noong malaman ng suspect na mayroon na siyang warrant, nagtago na ito. Nagtago na sa Quezon City, hindi na umuwi,” sabi ng pulis.

“Nagustuhan niya siguro ang bata, which is mali talaga kasi siya ay nasa legal age, kahit pa sabihin natin na gusto ang bata, wala pang (kakayahan) na mag-decide iyon sa sarili niya. Ibig sabihin, magulang pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gagawin,” aniya.

Itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kanya.

Nang tanungin kung sila pa ng babae, sabi niya, “hindi na… dahil sa cause na yun, sa nangyari sa amin.”

Tumanggi nang magbigay ng komento ang lalaki sa iba pang katanungan.

Nagpaalala ang Antipolo police sa kahalagahan ng pagtatanong ng edad sa isang indibidwal kapag papasok sa isang relasyon.

“Sa mga magulang, ang paaalala ko lalo na kapag babae yung inyong anak, pakibantayan. Paki-monitor. Doon sa suspek natin, sabi nga, hindi natin mapigilan kung nagkakagusto. Tanungin: Ilang taon ka na?” sabi niya.

Mahaharap sa reklamong statutory rape ang lalaki, na kasalukuyang nakadetene sa Antipolo Police Station.