Umano'y torture victims idinetalye ang sinapit sa Porac POGO hub | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y torture victims idinetalye ang sinapit sa Porac POGO hub

Umano'y torture victims idinetalye ang sinapit sa Porac POGO hub

Clipboard

MAYNILA — Sa tulong ng isang translator ay idinetalye ng 4 umanong torture victim ang sinapit nila sa POGO compound ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Si alyas Chao, ang lalaking tumakas na nakaposas pa sa bed frame, ikinuwento na sa loob ng isang kwarto ay kinuryente siya at pinaghahampas ng baseball bat.

Ayon sa kanya, tumanggi kasi syang sumunod sa pinapagawang ilegal ng mga kasama.

Hanggang ngayon, bakas pa ang black eye at malalaking pasa sa braso at likod ng biktima. Naging emosyonal siya nang sabihing gusto na niyang umuwi sa kanilang bansa.

ADVERTISEMENT

Si Teng naman, sinabing hinahampas daw siya ng iron rod at rolling rod. Tingin din niyang intensyon na hindi na siya buhayin sa loob.

Ang biktimang si Cheng, nakaranas naman umano ng pagkuryente. 

 

KIDNAP VICTIMS


Samantala, sinabi ng PNP na 4 mula sa 157 na naunang na-rescue sa Porac POGO hub ay kumpirmadong kidnap victims.

"Doon sa 157 na naunang na-rescue, 2 doon, isang lalaki at isang babaeng Chinese national ang nagsasabing they were kidnapped. Yung pangatlo ay naalala niyo yung nakatali pa sa bed frame at ang pang apat ay meron din silang nakuha doon na isa pa na sinasabing he was held captive for 18 days," ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo. 

Patuloy naman aniya ang pag-profile sa iba pang na-rescue.

Ayon kay Fajardo nakarekober din sa POGO hub ang ilegal na droga at mga gamit na posibleng pang-torture.

Nagpapatuloy pa rin ang paghalughog ng mga awtoridad sa 46 gusali sa tinawag nilang scam farm.

Hindi naman isinasantabi ng PNP ang anggulong posibleng may malaking tao na sangkot sa nasabing ilegal POGO hub.

"Forty-six bulidings po yung ise-search natin. As of sa ika-third day po ay nasa 17 pa lamang po yung natatapos nilang i-search... Ganito kalaki yung operation nitong scam farm na ito hindi malayo na may malaking tao na involve po dito," sabi ni Fajardo.

 

KAUGNAY NA VIDEO: 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.