POGO hub sa Pampanga sinalakay; higit 150 dayuhan natagpuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
POGO hub sa Pampanga sinalakay; higit 150 dayuhan natagpuan

MAYNILA (UPDATE) — Sinalakay ng mga awtoridad nitong Martes ang isang POGO hub sa Porac, Pampanga dahil sa impormasyong may nagaganap umanong mga krimen sa naturang pasilidad.

Ayon sa Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC), nakatanggap sila ng mga video at impormasyon na may nagaganap na torture at sex trafficking sa naturang POGO hub.

Isang babaeng dayuhan na biktima umano ng sex trafficking ang nagsumbong sa PAOCC kaugnay sa mga nagaganap na ilegal na gawin sa pasilidad.

"Kagabi may lumapit na dalawang foreign nationals, isang babaeng Chinese national saka isang lalaking Chinese national, sinasabing sila daw po ay kinidnap at pinag-trabaho bilang scammer dito sa loob ng Lucky South 99," paliwanag ni Winston Romeo Casio, spokesperson ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa panayam sa Teleradyo Serbisyo.

Nadatnan sa Lucky South 99 ang 157 foreign nationals, kung saan 126 ay mga Chinese, 23 ang Vietnamese, 4 ang Malaysian, 4 ang taga-Myanmar at may 1 Korean.

Lahat sila ay walang mga hawak umano na passport o visa. Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino sa mga dayuhan ang mga suspek at biktima.

Ayon pa kay Casio, nauna nang na-raid ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Lucky South 99 noong Setyembre 2022 sa parehong reklamo.

"Ito pong Lucky South 99 ay ito rin po 'yung POGO na dating may lisensiya na ni-raid ng DILG noong September 2022 dahil mayroon 43 na mga Chinese na nagreklamong sila ay kinidnap at dinala diyan sa Lucky South 99 na yan," ani Casio.

Idadaan naman ang mga dayuhan sa immigration biometrics para malaman kung legal ang kanilang pagpasok sa bansa.
Idadaan naman ang mga dayuhan sa immigration biometrics para malaman kung legal ang kanilang pagpasok sa bansa.
ADVERTISEMENT
"Bukas po ay magsasagawa na ng biometrics at administrative inquest sa kanila for violation of their conditions of stay in the Philippines. So titingnan po natin kung sila po ay biktima or kung sila nga po ay scammer," paliwanag ni Casio.

"'Pag sila po ay biktima, mare-repatriate po ang mga 'yan. Pero kung ito po ay mapatunayan natin na mga foreign scammers, ito po ay madedeport, maba-blacklist, at 'yung iba po na ma-identify natin na mga criminal bosses ay kakasuhan po natin," dagdag niya.

Natagpuan din sa naturang kompanya ang 29 Pilipinong napag-alaman na mga tagalinis umano sa gusali.

Ayon naman sa nagpapakilalang abogado ng isang Robert Cruz, tanging ang lupa kung saan nakatayo ang POGO ang kanyang pagmamay-ari at hindi umano siya ang operator ng naturang POGO.