Patrol ng Pilipino: Mga landslide dulot ng bagyong Egay, ikinamatay ng 6 sa Benguet | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Mga landslide dulot ng bagyong Egay, ikinamatay ng 6 sa Benguet

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2023 02:09 AM PHT

MAYNILA – Naging mapanganib ang pananalasa ng super typhoon Egay sa Benguet dahil sa idinulot nitong landslides.

Nasawi ang ina at 3 niyang anak sa Abatan sa bayan ng Buguias nang matabunan ng lupa ang kanilang bahay noong kasagsagan ng bagyo.

May 2 namang namatay sa Baguio City ayon sa CDRRMO–isa sa kanila ay 16-anyos na teenager.

Nakapagtala rin ng 20 insidente ng landslide sa lugar.

ADVERTISEMENT
Batay sa huling ulat ng NDRRMC noong Hulyo 31, 12 tao ang naitalang namatay sa Cordillera Administrative Region dahil sa bagyo–ang pinakamaraming bilang sa mga rehiyong naapektuhan ng Egay.

Sa kabuuan, hindi bababa sa 25 katao ang naiulat na namatay kasunod ng bagyong Egay at habagat.

—Ulat ni Raya Capulong, Patrol ng Pilipino