FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa kaso kay Enrique Razon Jr. | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa kaso kay Enrique Razon Jr.

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Sep 05, 2024 02:58 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:29 PM PHT

Sinasabi sa isang nagpapanggap na ABS-CBN News website na kinasuhan diumano ang port at casino tycoon na si Enrique Razon Jr. matapos ang kanyang live interview sa telebisyon.

Ginaya ng nasabing website ang interface ng ABS-CBN News. Nakasaad sa isang artikulo nito na pinatigil diumano ng “Central Bank of the Philippines” ang panayam kay Razon sa programang “Tune in Kay Tunying.”

Ayon sa diumano’y transcript ng panayam, sinabi ni Razon na gumagamit siya ng trading platform na tinatawag na “Paragonix Earn.” Mabilis niya umanong napapalago ang pera sa pamamagitan ng platform na gumagamit ng artificial intelligence sa pagbili ng cryptocurrency. Kinasuhan diumano ng Central Bank si Razon dahil sa mga nasabi niyang ito.

Sa dulo ng pekeng artikulo, makikita ang isang quick guide kung paano gamitin ang nasabing crypto trading platform.

Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng isa sa mga kompanya ni Razon na mayroon siyang nakabinbing kaso.

"We wish to inform the public that Mr. Razon has no pending civil or criminal cases before any Philippine court or government agency,” ayon sa pahayag ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

“We urge everyone to exercise caution and critical thinking when encountering such information online,” paalala ng ICTSI sa publiko.

Inilabas ng ICTSI ang pahayag noong Setyembre 2, 2024 matapos kumalat sa social media ang isang artikulo na naglalaman ng parehong maling impormasyon. Sa naunang artikulo na ito, ginamit ang interface ng isa pang news site na Inquirer.net.

Ang screenshot ng panayam na ginamit sa pekeng artikulo ay kuha sa orihinal na panayam kay Razon sa YouTube channel ni Anthony Taberna noong Disyembre 19, 2023. Kung papanoorin ang buong interview, walang nabanggit si Razon tungkol sa nasabing crypto trading platform.

Wala ring writer o reporter ang ABS-CBN na may pangalang Jonathan Cacho. Ang scam website ay may link na thedeliciousyard.com, samantala news.abs-cbn.com ang lehitimong link ng ABS-CBN News.

Hindi ito ang unang beses na kinopya ang hitsura ng ABS-CBN website upang makapanloko.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

Read More:
ABS-CBN website
ABS-CBN fake website
scam
Enrique Razon
crypto
crypto-currency
misinformation
disinformation

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT