San Juan LGU, nag-sorry sa ilang motorista na naabala ng Wattah! Wattah! Festival | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

San Juan LGU, nag-sorry sa ilang motorista na naabala ng Wattah! Wattah! Festival

San Juan LGU, nag-sorry sa ilang motorista na naabala ng Wattah! Wattah! Festival

Job Manahan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 27, 2024 12:31 AM PHT

Clipboard

Citizens of San Juan City celebrate the feast of St. John the Baptist through the Wattah! Wattah! Festival, by dousing each other with water, on June 24, 2024. Mark Demayo, ABS-CBN NewsCitizens of San Juan City celebrate the feast of St. John the Baptist through the Wattah! Wattah! Festival, by dousing each other with water, on June 24, 2024. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA -- Humingi ng paumanhin nitong Miyerkules ng gabi ang City Tourism and Cultural Affairs Office ng San Juan CIty sa mga naabala ng Wattah! Wattah! Festival o Feast of St. John the Baptist, matapos kumalat sa social media ang mga video na makikitang binabasa ng mga residente ang ilang motoristang dumadaan sa kalsada. 

Una nang kumalat ang video ang pagbasa ng mga nakipista sa San Juan City sa mga naka-angkas sa motorsiklo at tila hindi natuwa sa nangyari. 

Hindi rin nakaligtas ang mga jeepney na dumadaan. 

Sabi ng City Tourism and Cultural Affairs Office, sineseryoso nila ang mga ganitong insidente dahil paglabag ito sa ordinansa ng lungsod. 

ADVERTISEMENT

“Kami ay aktibong nangangalap ng ebidensya ng kaguluhan sa nasabing kaganapan. Ang mga isinumiteng video ay sinusuri upang matukoy ang mga lumabag sa City Ordinance No. 51, series of 2018, at iba pang umiiral na batas,” sabi ng pahayag. 

Nakiusap din ang LGU na lumapit sa kanila ang mga may kopya ng video para maimbestigahan ng San Juan Police Station. 

“Kung kayo ay may mga pruweba ng paglabag sa batas noong Hunyo 24, maaaring isumite ang ebidensyang videos o photos sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng Lungsod upang ito ay maproseso at malaman ang pagkakakilanlan ng mga lumabag,” sabi ng San Juan LGU.

“Ang mga indibidwal na mapatunayang lumabag sa nasabing ordinansa at iba pang umiiral na batas ay pananagutin at pagmumultahin ayon sa buong saklaw ng batas,” dagdag pa nito. 

Nangako rin ang lokal na pamahalaan na pananagutin nila ang mga indibidwal na lumabag para hindi na  maulit ang ganitong mga insidente. 

Ito ang unang beses na nagkaroon muli ng basaan matapos ang “waterless” celebration ng Wattah Wattah Festival noong mga nakaraang taon dahil sa isyu ng El Niño.

KAUGNAY NA ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.