Tradisyon na basaan, ibinalik sa Wattah Wattah festival sa San Juan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tradisyon na basaan, ibinalik sa Wattah Wattah festival sa San Juan

MAYNILA — Hindi pa pumuputok ang araw, basa na ang ilang mga residente ng San Juan na sabik na ipagdiwang ang Wattah Wattah Festival o Feast of St. John the Baptist ngayong araw.

Si St. John the Baptist ang patron saint ng lungsod.

Bahagi ng selebrasyon ang tradisyon na “basaan” kaya bitbit ang mga tabo, water hose, timba na may tubig at water guns, binasa ng mga residente ang ilang mga motorista at mga pedestrian na dumadaan sa ilang kalsada gaya ng N. domingo street at Pinaglabanan street.

Nag-umpisa ang selebrasyon ng zumba dance kaninang 5 ng umaga, na sinundan ng 6 a.m. Mass sa St. John the Baptist Church sa tabi ng Pinaglabanan shrine.

Nagkaroon din ng flag-raising ceremony na pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora na sinundan ng parada ng Santong Tao floats.

Tatlong Bureau of Fire Protection trucks lamang ang pinayagan na sumama sa parada bilang bahagi ng pagtitipid din ng tubig ng lungsod dahil sa isyu ng El Niño ngayong taon.

Pagkatapos nyan ay may street dance competition din at iba pang kaganapan sa may city hall dakong 9:30 ng umaga na pangungunahan naman ng ilang celebrities gaya ni Kim Chiu.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, magtatagal ang basaan hanggang 12:30 ng tanghali kaya inaabisuhan niya lahat ng mga motorista at residente na ayaw mabasa na humanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala ang kanilang byahe.

Ito rin ang unang beses na nagkaroon muli ng basaan matapos ang “waterless” celebration ng Wattah Wattah Festival noong nakaraang taon dahil din sa isyu ng El Niño.

Read More:
San Juan City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT