19 bahay nasira sa hagupit ni Aghon sa Tanza, Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
19 bahay nasira sa hagupit ni Aghon sa Tanza, Cavite

MAYNILA — Nasira ang 19 bahay na nakatayo sa tabing dagat sa Tanza, Cavite bungsod ng epekto ng bagyong Aghon.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tanza nitong Lunes, isang bahay ang “totally washed-out” sa Amaya VII nang bayuhin ng malakas na ulan, hangin, at alon nitong Sabado at Linggo.

Anim na kalapit na bahay din sa barangay VII at 12 bahay sa Barangay V ang bahagyang napinsala.

Nasa 26 pamilya o katumbas ng 83 indibidwal ang nakatira sa mga nasirang bahay, at kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center.

Samantala, 3 bangka rin ang naitalang nasira sa Barangay Calibuyo.

Nauna nang sinabi ng Office of Civil Defense na may nakalaang P3.4 billion na pondo para sa mga masasalanta ng bagyo.

Walang naitalang baha, pagkaputol ng suplay ng tubig at kuryente sa Tanza nitong Lunes.

Nadaraanan naman ang lahat ng kalsada at tulay at normal ang lebel ng tubig sa ilog.