Ipu-ipo nanalasa sa Northern Samar sa kasagsagan ng bagyong Aghon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ipu-ipo nanalasa sa Northern Samar sa kasagsagan ng bagyong Aghon

Ipu-ipo nanalasa sa Northern Samar sa kasagsagan ng bagyong Aghon

ABS-CBN News

Clipboard

Ilang bahay at iba pang mga istraktura ang nasira dahil sa isang ipu-ipo kasabay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon sa Brgy. Caburihan, Lavezares, Northern Samar.

Nangyari ito madaling araw ng Sabado.

Sa tala ng barangay apat na bahay ang totally damaged at walo naman ang partially damaged.

Hindi rin nakaligtas ang  covered court ng barangay.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng residente na si January Flores nabigla sila sa pangyayari dahil madaling araw ito nangyari. 

Sa video na kuha ni Flores makikita ang iniwan na pinsala ng ipu-ipo.

 Hindi lang nasira ang mga bahay ng mga residente nabasa din ang kanilang mga gamit.

 Walang nasaktan naman sa pangyayari pero umaapela ng tulong ang mga apektadong residente. - ulat ni Ranulfo Docdocan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.