Mga bilog na prutas taas-presyo muli sa Divisoria | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bilog na prutas taas-presyo muli sa Divisoria

ABS-CBN News
Published Dec 29, 2022 06:49 AM PHT

MAYNILA—Para sa mga mamimili na hindi pa nakukumpleto ang pampaswerteng 12 bilog na prutas para sa pagsalubong sa Bagong Taon, mainam na habang maaga-aga pa ay bumili na sa Divisoria bago magtaas muli ng presyo.

Ayon sa mga tindera ng prutas, halos dumoble ang itinaas sa presyo ng mga prutas ngayong Disyembre at tiyak na tataas pa ito sa mga susunod na araw.

Nasa P200 kada kilo ngayon ang ubas, habanag ang chico at longgan ay nasa P100 kada kilo.

Mabibili naman ang mansanas at persemone sa P100 kada 4 na piraso at kiat-kiat sa P50 kada isang balot. Ang peras naman, ibinebenta ng P100 kada 3 piraso.

ADVERTISEMENT
Ang kiwi nasa P40 kada piraso, melon sa P50 kada piraso. Nasa P130 naman kada piraso ang watermelon.

Bukod sa mga prutas, mabenta rin ang mga castanias sa Divisoria na mabibili sa P150 kada kalahating kilo.

—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT