Presyo ng sibuyas pumalo na ng higit P600 kada kilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng sibuyas pumalo na ng higit P600 kada kilo

Presyo ng sibuyas pumalo na ng higit P600 kada kilo

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 28, 2022 07:47 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) -- Umakyat na sa P620-P650 ang presyo ng sibuyas sa Kamuning Market.

Ayon kay Mang Roneo Encomienda, isang tindero, bukod sa kulang ang lokal na suplay, tila iniipit rin kasi ang suplay nito sa merkado.

"P31 isang piraso lang. Sa mga mahihirap hindi na kaya ito. Makakabili lang 'to yung mga may kaya," aniya.

"Sobrang mahal. May ani kaso lang sobrang liit parang jolen....meron mga imported, hino-hold naman," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Bukod pa sa sibuyas, tumaas na rin ang presyo ng ilang mga bilog na prutas, na karaniwang hinahain ng mga Pilipino sa pagsalubong sa Bagong Taon.

PRESO NG MGA PRUTAS SA KAMUNING MARKET

  • Apple P25
  • Orange P25
  • Peras P30
  • Mango P180/kg
  • Longgan P220/kg
  • Guava P180/kg
  • Avocado P350/kg
  • Dragon fruit P350/kg
  • Melon P80/kg
  • Watermelon P50-70/kg
  • Pomelo P170-280/kg
  • Pineapple P100-220/kg
  • Strawberry P180/pack
  • Grapes P450/600/kg
  • Saging P100/kg

Ayon sa tindero, nagtaas ang presyo dahil sa mga nakaraang bagyo at lamig ng klima. Inaasahan na tataas pa ito ng P20 bago mag bagong taon.

Sa mga seafood naman, pumalo na sa P600 kada kilo ang hipon. Kakaunti lang rin kasi ang bumabagsak na suplay dito kaya nagsisitaasan ang presyo ng mga isda lalo na sa ganitong panahon na malamig ang klima.

Ang presyo naman ng iba pang isda ay ang mga sumusunod:

  • Galunggong - P300/kg
  • Bangus - P240/kg
  • Tilapia - P160/kg

Samantala, wala pang paggalaw sa presyo ng karne at manok sa Kamuning Market apat na araw bago ang pagsapit ng Bagong Taon.

ADVERTISEMENT

Nasa P220 per kilo pa rin ang manok, habang P320 pa rin ang kada kilo ng baboy.

Pero ayon sa mga tindero, nakatanggap na sila ng abiso na maaaring tumaas nang P5 kada araw ang kanilang mga paninda.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na agahan na ang pamimili dahil baka iba na ang abutan na presyo sa merkado.

Mga retailer napipilitang pang magtaas-presyo sa palengke

Tumaas din sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa bagsakan ng gulay sa Divisoria sa Maynila. Dahil dito, inaasahang hihigit pa ang magiging presyuhan sa mga palengke.

Ayon sa mga nagititinda, araw-araw tumataas ang presyo ng mga biyahero mula noong Pasko.

ADVERTISEMENT

Mula sa P480 na puhunan, P500 na ang singil nitong Miyerkoles. Hindi pa kasama dito ang presyo sa kargador at puwesto kaya P600 na ang retail price na may maiuuwi pa silang kita.

“Kailangan naming ibenta kasi madali siyang bumaba ang timbang. Ang sariwa kasi, maghapon lang na hindi mo mai-dispose, malaki na ang mawawala sa timbang. ‘Pag may bumili sa amin P508, hindi na babayaran ‘yong butal nun. Pagbigyan na lang para lahat makakaraos," ayon sa nagtitinda na si Gina Masicampo.

Inasahan na ng mga nagtitinda na tataas ang demand ngayong Holiday Season.

Kaya para sa kanila hindi na dapat umabot nang labis ang presyo kung nakakapag-angkat ng sibuyas noong mga nakaraang buwan.

“Kulang ang sibuyas natin. Dapat may dumarating kasi kapag ganito na, ganyan na ang presyo paglabas sa storage. ‘Di malaman kung sino ang mataas ang presyo. ‘Yong farmers ba o runner? Iilan lang ang nakinabang sa taas. Marami ang naghihirap kasi pobre man o mayaman, kailangan ng sibuyas," ayon sa nagtitinda na si Lilia Bautista.

ADVERTISEMENT

Ang ilang retailer, napipiltang ibenta ng P650 ang kada kilo ng sibuyas dahil sa taas ng presyo sa bagsakan.

“Nakaka-shock kasi P300 lang mahigit last week. Ngayon lumobo ng malaki. Hindi ko alam kung ma-afford pa ng mga suki ‘yan sa Bulacan," ayon sa retailer na si Julius Bautista.

-- May ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.