ALAMIN: Mga paunang lunas kung masugatan, makalunok ng paputok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga paunang lunas kung masugatan, makalunok ng paputok

ALAMIN: Mga paunang lunas kung masugatan, makalunok ng paputok

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Sa pagsalubong sa Bagong Taon, uso na naman ang pagpapaputok, lalo na sa kabataan.

Bukod sa malubhang sugat sa balat, may ilan ring napuputukan sa mata — o 'di kaya'y nakakalunok ng paputok, gaya ng watusi.

Sinagot ni Health Undersecretary Eric Tayag ang ilang tanong ukol sa mga paunang lunas na puwedeng gawin bago pumunta sa ospital.

Ano ang dapat gawin kapag nadaplisan ng mga pailaw gaya ng luces?

Tayag: 'Pag nalapnos po iyan, punta kayo kaagad sa may gripo at hanggang 15 minuto nakatuon doon 'yung tubig kung saan kayo tinamaan. Tubig po ang panlaban natin diyan. 'Pag mas malaki pa sa palad ninyo 'yung naapektuhang area, iyan ay dinadala sa ospital para matingnan ng doktor.

ADVERTISEMENT

Kailangan bang maturukan ng anti-tetanus shot kahit maliit lang ang sugat dahil sa paputok?

Tayag: Depende 'yan kung ikaw ay nabigyan ng anti-tetanus sapagkat 'yung anti-tetanus, bagama't naibibigay 'yan simula ng ilang buwan pa lamang ang isang bata, inuulit 'yan every 10 years kasi di naman panghabangbuhay yung proteksyon diyan.

Titingnan din ng doktor yung sugat, kung ito ay tetanu-prone na tinatawag kasi baka ibig sabihin niyan baka bigla kang mag-lock jaw, mag-seizure, delikado ho 'yan, buwis buhay din 'yan. Malamang sa hindi mabibigyan ho kayo ng anti-tetanus. Libre ito sa mga pampubliko nating mga ospital.

Bakit kailangang kumain ng egg whites kapag aksidenteng nakalunok ng watusi?

Tayag: Delikado kasi ang watusi... maaaring maapektuhan 'yung atay natin at maaaring ikamatay 'pag hindi naagapan.

Pansamantalang lunas lamang 'yung white eggs, mga 6 na piraso noon para sa mga bata... hanggang 10 taon. Pag more than 10 years [old] na, doon dodoblehin natin.

Hindi siya antidote... Sa ospital may ibinibigay na gamot para hindi magtuloy-tuloy 'yung pagkalason.

'Yung iba pinapasuka. Mali ho, lalo hong malaking perwisyo ang mangyayari pag pinasuka n'yo yung nakalulon.

Ano ang gagawin kapag naputukan sa mata? Ooperahan ba agad?

Tayag: Titingnan n'yo kung nakabaon po 'yun [paputok] huwag n'yo na pong galawin, takpan n'yo na 'yung parehong mata, dalhin n'yo na sa ospital.

Kung lumulutang-lutang 'yan, puwede niyong matanggal yan ng malinis na tubig. Wisik-wisik hanggang sa matanggal 'yung debris. Pero huwag niyong pipilitin, huwag niyong kakamutin.

Puwede bang lagyan ng alcohol ang wounded o burned area?

Tayag: Tubig lang ang katapat niyan, huwag muna maglagay ng alcohol. Tandaan niyo po na ito ay burned. Akala niyo lang may sugat diyan, burned po ang category ng mga firework-related injury.

Anong tela ang mainam na ipambalot sa sugat bago pumunta sa ospital?

Tayag: Siguraduhin n'yo lang na malinis, hindi po didikit doon [sa sugat].

Puwede pa bang maisalba ang daliri ng batang naputukan?

Tayag: Mahirap sabihin na madudugtong pa 'yan. Malamang sa hindi talagang pinuputol na. Kasi hindi cleaned wound, sabog-sabog talaga siya.

— May ulat ni Rowegie Abanto, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.