P1.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Tondo | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
P1.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Tondo

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Dec 29, 2021 06:31 AM PHT
MAYNILA—Arestado ang 5 drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng Abad Santos Police sa Tondo sa lungsod na ito Martes.

Target ng operasyon ang 21 anyos na lalaking si alyas Mante na kasama sa drugs watchlist umano dahil sa pagtutulak ng droga.

Nangyari ang transakyon sa riles ng tren sa Laong Nasa Street kasama ang 4 na iba pa.

Nasa P7,000 ang halaga ng hinihinalang shabu ang napagkasunduang biblhin ng nagpanggap na buyer.

ADVERTISEMENT
Pero nakuhanan pa ang grupo ng pake-pakete ng hinihinalang shabu na higit P1.2 milyong ang halaga.

Natarya na ang mga ito at diretso na rin sanang ibebenta sa kani-kanilang mga parokyano.

Bukod sa target ng operasyon, arestado rin ang isang 37 anyos na lalaki, 2 babaeng kasama rin sa drugs watchlist, at isang 17 anyos na binata. Pare-pareho rin silang residente sa Tondo.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng mga inaresto.