PatrolPH

Lalaking nagpakita ng hinihinalang shabu sa bus arestado

Anna Gabrielle Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2021 12:04 PM

Arestado ang isang lalaki matapos magpakita ng hinihinalang shabu sa kapwa pasahero habang sakay ng bus patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange noong Lunes.

Ayon sa babaeng pasahero, naalarma siya dahil tila wala sa sarili ang suspek na naglabas ng isang pakete ng shabu.

Nagkataon namang nakasakay rin sa bus ang isang Coast Guard apprentice, na pinagsumbungan ng babaeng pasahero.

Bumaba ang dalawa sa bus station sa Guadalupe, Makati at sinuplong ang suspek sa headquarters ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) para maimbestigahan ito.

Nasa kustodiya pa rin ng PNP-HPG ang suspek.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.