PatrolPH

Inmate nagtago ng shabu sa puwet sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2021 10:28 PM

Kuha ng BJMP XI
Kuha ng BJMP XI

Isang lalaking inmate sa Tagum City Jail sa Davao del Norte ang nahulihan umano ng shabu sa loob ng kaniyang puwet nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology Region XI, nakuha mula sa inmate ang isang pakete ng shabu sa nasa loob ng isang pakete ng handmade soap.

Tinago umano ng preso ang pakete sa loob ng kaniyang puwet bago ang search operation sa naturang bilangguan.

Dinala sa isang PNP crime laboratory ang inmate para sa urine at specimen drug testing pagkatapos ng operasyon.

Sasampahan din siya ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.