Paano nagkaroon ng methanol ang itinuturong 'killer lambanog' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nagkaroon ng methanol ang itinuturong 'killer lambanog'

Paano nagkaroon ng methanol ang itinuturong 'killer lambanog'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Mataas na lebel ng methanol sa inumin ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng 17 tao sa probinsiya ng Quezon at Laguna matapos nilang uminom ng lambanog.

Ayon sa nephrologist na si Maaliddin Biruar, posibleng nagkaroon ng methanol contamination ang mga lambanog dahil sa maling preparasyon at sa maling container nito.

"Iyung problema kasi hindi maganda 'yung pagkakagawa ng lambanog, nagkaroon ng methanol, kasi hindi maganda 'yung lalagyan," aniya sa programang "Good Vibes."

Nabubuo ang methanol sa pamamagitan ng paghahalo ng ilang kemikal.

ADVERTISEMENT

SINTOMAS

Ani Biruar, malalamang biktima na ng methanol poisoning ang pasyente kapag sumakit ang sikmura at nawawalan ito ng malay matapos ang pag-inom.

Nakamamatay din ang methanol poisoning.

Tumataas aniya ang acid content ng pasyente sa katawan at nakakaapekto rin aniya ito sa kidney at iba pang organs.

Hindi agad nalalaman ng pasyente na biktima na siya ng methanol poisoning.

Isinasailalim sa dialysis ang mga pasyenteng biktima ng methanol poisoning.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.