Ina ng batang nasawi sa sunog sa Antipolo, umaapela ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina ng batang nasawi sa sunog sa Antipolo, umaapela ng tulong

Ina ng batang nasawi sa sunog sa Antipolo, umaapela ng tulong

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Umaapela ng tulong ang ina ng 6-anyos na batang nasawi sa sunog sa Barangay Cupang sa Antipolo City noong Sabado ng gabi.

Hindi alam ni Mercedita Rico kung saan hahagilapin ang pera para sa cremation ng anak na si Austin.

"'Yan din po ang pinoproblema ko, kung saan ako kukuha ng pambayad…humihingi po ako ng tulong kahit ma-cremate lang po yung anak ko,” sabi ni Rico.

Sabi ni Rico, dahil Pasko at pista opisyal naman kinabukasan, posibleng sa Miyerkoles pa nila maasikaso ang cremation ng anak na nasa isang punerarya pa sa Binangonan.

ADVERTISEMENT

Inalala din ni Rico ang naging paghahanda nila sa dapat sana'y mga susuoting pamasko ng limang anak.

Kuwento niya, naipamili na nga niya ng damit ang mga bata kabilang si Austin at isusunod sanang bilhin ang hiling nitong sapatos.

"Sabi ko bilhan ko sila ng damit pampasko kaya umuwi po agad kami, bago hindi ko alam na ganyan mangyayari. Bukas bibilhan ko kayo ng sapatos, maaga ako uuwi (pero) wala na po, hindi na po ako nakabili,” kuwento ni Rico.

Sa ngayon, nasa East Avenue Medical Center pa rin sa Quezon City ang ama ni Austin na si Alberto matapos magtamo ng sunog sa mukha at iba pang parte ng katawan nang tangkain niyang iligtas ang anak mula sa nasusunog nilang bahay.

PINAGMULAN NG SUNOG

FIRE

Bagama't nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang kuwento ng ilang residente, nagsimula ang sunog sa napabayaang kandila sa bahay ng pamilya Rico.

"Eh, ang sabi po galing po sa pagsindi ng kandila, pinabayaan. Nung bumaba sila ang sabi malakas na po yung apoy sa loob ng bahay,” sabi ni Nancy Reas.

Isa din ang pamilya ni "Gina" sa 21 pamilyang nasunugan at napilitang magpasko sa covered court ng Bgy. Cupang.

Hindi nila alam kung kailan at kung makakabalik pa sila sa lupang kinatatayuan ng mga nasunog nilang bahay.

May mga paunang tulong naman mula sa barangay at sa mga nagmamalasakit na residente gaya ng bigas at mga damit, pero hanap nila ang pangmatagalang tulong.

"Gusto ko lang po, humingi ng konting tulong sa mga kasama ko nasunugan…yung pampagawa ng bahay, pati po yung tubig, kuryente," panawagan ni "Gina".

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.