470 pasahero stranded, magpa-Pasko sa Romblon Port | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
470 pasahero stranded, magpa-Pasko sa Romblon Port

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Dec 24, 2022 11:00 PM PHT
|
Updated Dec 25, 2022 02:09 PM PHT

Sa passenger terminal na ng Romblon Port magdiriwang ng Pasko ang nasa 470 pasahero matapos mabigo makarating sa Sibuyan Port ang kanilang sinasakyang barko dahil sa malalaking alon.

Ayon kay Batangas at Romblon Port Manager Joselito Sinocruz, alas-11 ng umaga nitong Sabado nang umalis sa Romblon Port ang barko ng Starhorse Shipping Lines patungong Sibuyan Island.

Pero bandang napilitang bumalik sa Romblon Port dahil sa delikadong sitwasyon dulot ng paghampas ng malalaking alon.

Sinubukan pa ng barko na bumiyahe kaninang alas 5 ng hapon pero hindi na pinayagan ng Philippine Coast Guard dahil lubhang delikado na ang paghampas ng malalaking alon.

Nagkaroon pa ng bahagyang tensyon nang pababain na ang mga pasahero dahil kailangang magtungo sa shelter area ng barko.

Ayon kay Sinocruz, galing sa Lucena City sa Quezon province ang barko na dumaan sa Romblon Port bago sana didiretso sa Sibuyan Island.

Lulan din ng barko ang 10 rolling cargoes.

Ani Sinocruz, inatasan na niya ang shipping lines na pakainin at bigyan ng maayos na matutulugan ang mga stranded na mga pasahero.

Hindi pa malinaw kung kailan muling makakabiyahe ang barko dahil nakataas pa rin ang gale warning.