Sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila itataas pagpasok ng 2020 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila itataas pagpasok ng 2020

Sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila itataas pagpasok ng 2020

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Epektibo na sa Enero 2, 2020 ang P5,000 kada buwan na minimum wage para sa lahat ng kasambahay sa National Capital Region, ayon sa Department of Labor and Employment.

Ito ay matapos aprubahan ng DOLE - NCR ang P1,500 dagdag sa minimum wage ng kasambahay ng P3,500.

"Yung last order kasi was 2017. So medyo matagal na kaya we took it upon ourselves to approve an increase kahit walang petition," ani Sarah Mirasol, regional director ng DOLE - NCR.

Sakop ng bagong wage order ang lahat ng kasambahay, yaya, cook, at hardinero.

ADVERTISEMENT

Pero hindi kasama rito ang mga service provider, family driver, mga may foster family arrangement at minsanan lang magtrabagho.

Pero bukod dito, nagpaalala si Mirasol na dapat bayaran ng mga employer ang iba pang benepisyo na dapat ipagkaloob sa kanilang mga kasambahay.

Umaasa ang DOLE na maeengganyo ang mga kasambahay na manatili sa bansa imbis na mag-overseas Filipino worker.

Pag-aaralan naman ngayon ng DOLE- NCR ang hirit ng isang labor alliance na itaas sa P750 ang minimum wage ng iba pang manggagawa. Tatalakayin ito ng ahensiya sa Enero. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.