DOLE nagpaalala: Pati mga kasambahay dapat may 13th month pay

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 05:44 PM

MAYNILA — Nagpaalala nitong Miyerkoles ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat maibigay ng employers ang 13th month pay ng mga empleyado bago ang bisperas ng Pasko. 

Sakop nito maging ang mga kasambahay, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Mandato sa batas ang pagbibigay ng 13th month pay at maaaring idemanda ang sino mang hindi susunod dito.

Pero pag-amin ng DOLE, wala silang kapangyarihan na mag-isyu ng compliance order sa sino mang lalabag dito hangga't walang kasong naisasampa sa korte. 

Gayunman, ani Bello, bihira lang daw makatanggap ang ahensiya ng reklamo sa hindi pagbibigay ng 13th month pay. 

Maaari naman daw humirit ng exemption ang mga kompanya, lalo na ang mga nasalanta, pero bubusisiin pa daw ito ng DOLE bago payagan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.