TIPS: Saan dapat ilaan ang Christmas bonus, 13th month pay? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Saan dapat ilaan ang Christmas bonus, 13th month pay?

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2019 04:31 PM PHT
|
Updated Dec 09, 2019 08:34 PM PHT

MAYNILA — Tuwing panahon ng Pasko may natatangap na dagdag grasya para sa mga manggagawa, tulad ng pinakahihintay na 13th month pay at kung susuwertehin ay may pa-Christmas bonus din ang ilang employers.

Pero kadalasan, hindi pa man sumasayad ang biyaya sa palad ay nakalaan na ang mga ito sa sari-saring gastusin.

"'Yung 13th month, naka-budget na 'yun sa bahay, tubig, at kuryente," ani Melrose Genoguin, empleyado.

"Half nun for savings talaga, and the rest for the family and for Christmas. Vacation with the family na rin," sabi ni Theresse Alaman, empleyado.

ADVERTISEMENT
"Pamigay ko siya sa mga namamasko. Pamahagi 'yung blessing," ayon naman kay Lorraine Bachiller, empleyado.

Para sa isang financial advisor, maraming puwedeng paggamitan ang mga biyayang ito.

"You can take out the 70 percent, that’s yours, 'yung 20 percent that probably belongs to the investments, then the 10 percent will go directly to the rainy day funds," sabi ni David Angway, financial advisor.

Puwede rin umanong tingnan ang Christmas bonus bilang pagkakataon para makalaya mula sa mga utang.

"Pero may mga tao na they have debt, 100 percent they put it there, then they feel the freedom already. So hindi siya talaga one size fits all."

Kung may sobra pang pera, mainam din daw itabi ito bilang emergency fund, na puwedeng hugutin sa oras ng pangangailangan tulad ng biglaang pagkawala ng trabaho.

Dapat din daw magkaroon ng limitasyon sa paggastos.

"May other priorities ka, dapat mayroon ka lang hangganan. Without that signal na para bang 'stop', definitely you might overshare everything and that will lead to future regrets," payo ni Angway.

Paalala naman ng Department of Labor and Employment, mandato sa batas ang 13th month pay na katumbas dapat ng isang buwang sahod.

Dapat din daw ay matanggap ito nang hindi lalampas sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko.