Publiko binalaan laban sa 'parcel scam' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko binalaan laban sa 'parcel scam'
Publiko binalaan laban sa 'parcel scam'
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Dec 17, 2023 12:03 PM PHT
|
Updated Dec 17, 2023 12:14 PM PHT

MAYNILA — Nagbabala ngayong Linggo ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa "parcel scam" ngayong holiday season.

Ayon sa ahensiya, hindi dapat agad maniwala ang publiko sa tawag, mensahe o email na nagsasabing mayroon silang package o parcel na nakabinbin sa BOC.

May mga scammer umano na nagpapanggap na tauhan ng BOC o foreigner at maniningil sa pamamagitan ng personal bank account o money remittance para mailabas ang kunyari'y na-hold na padala.

Nilinaw ng BOC na ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lamang gawin sa kanilang cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks.

Para makasiguro, ipinayo ng BOC na maaring mag-check muna sa website ng Department of Trade and Industry kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.

Puwede rin umanong makipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung ang resibo, tracking number at iba pang dokumento na natanggap ay totoo.

Sakaling mabiktima, maari ding magsumbong sa BOC o Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group para sa agarang aksiyon.