TIPS: Ligtas na pagpa-party ngayong Pasko habang pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Ligtas na pagpa-party ngayong Pasko habang pandemya

ABS-CBN News
Published Dec 10, 2021 07:08 PM PHT
|
Updated Dec 11, 2021 03:12 AM PHT

Excited na si Beth Mante para sa kanilang get-together sa Pasko.

Ang tagal daw kasi nilang hindi nagkikita bilang pamilya, kaya ngayong maluwag na ang alert level, nais na nilang magkumustahan.

"Sobra, excited na ako. kasi dati di mo magawa yon eh, taun-taon meron 'yon kainan party.. 'yung magkita-kita kayong lahat. Ngayon... May kainan, buong pamilya, kuwentuhan, karaoke, may sayawan konti para kumpleto," ani Mante.

Pero paalala ng Department of Health na tapatan ito ng ibayong pag-iingat.

ADVERTISEMENT
"Kating kati na tayo to be with our family and relative. Mababa na ang kaso, marami na nabakunahan, pero we encourage to celebrate safely," ani DOH Director Dr. Beverly Ho.

Una, mas piliin ang outdoor venues hangga't maaari.

Kung indoor, tiyaking maayos ang ventilation at hindi masikip para sa mga dadalong tao.

"Open door, windows, and exhaust fans," ani Ho.

Dapat lang din aniya na fully-vaccinated ang padadaluhin kapag indoor ang venue at dapat laging suot ang face mask.

"Pag may palaro, dapat naka-mask na rin po," ani Ho.

Maaari lang aniya itong tanggalin tuwing kakain, pero ibalik na kung makikisalamuha sa tao lalo na kapag naglalaro.

Dapat din anila iwasan ang mga palaro na magreresulta sa close-contact o pagkukumpul-kumpulan.

Dapat din anila palaging maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol o hand sanitizers at hangga't maaari huwag na gumawa ng mga aktibidad na may pakanta, pagsigaw o mga kapareho nito.

Paalala rin ng Palasyo na dapat may basbas ng lokal na pamahalaan ang mga street party.

"Doon sa mga parties na sinasabi, number 1, makipag-ugnayan muna po ng LGU, okay? So huwag ninyong isipin na puwede ito, hindi po. Makipag-ugnayan muna sa LGU because there will be some LGUs that have some requirements, so 'wag ito i-generalize na ito, puwede na," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Puwede ring mangaroling, pero paalala ni Ho: "Sa pangangaroling po, alam natin na kinakailangan na bukod sa bakunado, kailangan naka-wear ng mask di ba kasi may chance tayo na maka-spread po. As long as ginagawa naman iyon at may distancing, yes okay lang po sa atin."

Hinikayat din ng DOH na iwasan ang paggamit ng paputok at mas ligtas na manood ng community firework displays.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT