Hotels, restaurants sa Tagaytay fully-booked para sa kapaskuhan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hotels, restaurants sa Tagaytay fully-booked para sa kapaskuhan

Hotels, restaurants sa Tagaytay fully-booked para sa kapaskuhan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Dagsa ang mga turista sa Tagaytay City para mamasyal at mag-enjoy sa malamig na klima. Kaya naman ngayong kapaskuhan, fully-booked na ang maraming hotel at restaurant.

Pinaghahandaan na ng mga restaurant owner ang pagdami ng mga turista lalo't ito ang panahon na inaasahan nilang makakabawi sila mula sa pagkalugi dahil sa pandemya.

Marami ang naka-book na sa mga hotels at restaurants para magdaos na Christmas party kaya paala ng tourism office ng local government ng Tagaytay dapat fully vaccinated lamang ang tatanggapin o kaya naman may RT-PCR test negative result kung 'di pa bakunado.

"Sa indoor event po, mayroon pa rin tayo na cap na 50 percent at ang outdoor naman po ay 70 percent. 'Yan po ay ating pamantayan bilang ang Tagaytay ay nasa Alert Level 2," sabi ni Jarryd Bello, tourism officer ng lungsod.

ADVERTISEMENT

Sa katabing bayan ng Mendes, fully-booked ngayong Disyembre ang maraming hotels at restaurants para sa mga Christmas parties.

- TeleRadyo 10 Disyembre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.