Paggamit, pagbebenta ng paputok para sa Bagong Taon ire-regulate: metro mayors | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggamit, pagbebenta ng paputok para sa Bagong Taon ire-regulate: metro mayors

ABS-CBN News
Published Dec 07, 2020 06:48 PM PHT

Napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na i-regulate ang fireworks display para sa pagsalubong sa 2021 bunsod ng patuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, na siyang chairman ng MMC, kailangang kumuha ng permit sa local government unit (LGU) kung gustong magsagawa ng fireworks display, kabilang ang mga nakatalaga nang community fireworks display.

Tanging mga may permit lang din mula sa LGU ang papayagang magbenta ng paputok, ani Olivarez.

Ayon kay Olivarez, kung dati'y puwedeng magtipon ang mga tao sa kung saan idaraos ang fireworks display, ngayo'y kailangan malayo na ito.

Hindi na rin hinihikayat ang mga malalaking family reunion sa papalapit na Pasko at Bagong Taon.

"Kung kayo ay pamilya lang within the family, one group kayo, okay. Pero 'yong grand reunion, hindi puwede talaga," ani Olivarez.

"Lahat ng ating mga city government offices ay walang Christmas party. 'Yon pong ating mga private company, dini-discourage din natin sila na mag-Christmas party," dagdag niya.

Ipatutupad pa rin ang 12 a.m. hanggang 3 a.m. unified curfew sa Metro Manila upang magbigay-daan sa Simbang Gabi.

Ayon kay Olivarez, bawal pa rin lumabas ang mga menor de edad, maliban sa essential trips tulad ng medical reasons.

Patuloy ang paalala ng mga LGU sa publiko na sundin ang health protocols.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Metro Manila Council
Metro Manila
fireworks
paputok
fireworks regulation
New Year
New Year 2021
coronavirus pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT