2 kritikal, 14 na-ospital matapos umanong malason ng lambanog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 kritikal, 14 na-ospital matapos umanong malason ng lambanog

2 kritikal, 14 na-ospital matapos umanong malason ng lambanog

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Kritikal ang kalagayan ng 2 tricycle driver habang inoobserbahan pa ang 14 na iba pa matapos umanong malason sa ininom na lambanog.

Sama-sama sa isang kuwarto sa East Avenue Medical Center ang mga tricycle driver ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

May ilang nakahiga dahil bahagya pa ring nanghihina, pero mas marami ang masigla na ang katawan.

Pangalawang buhay kung ituring ng mga biktima ang kanilang pagkaligtas sa peligrong kumitil ng buhay ng 4 nilang kasamahan.

ADVERTISEMENT

Dinala sa ospital ang mga biktima nitong Martes matapos pumanaw sila Dennis Cuadra, Crispulo Mateo, Alvin Reyes, at Delfin Bayangos.

"'Di na po sumasakit ang tiyan ko. 'Di na po nakakaramdam ng pagsusuka. Maayos na pakiramdam ko, gutom nalang talaga," ani Reynold Subala.

Nasa kritikal naman na kondisyon sina Alfredo Cuadra at Alfredo Faustino.

Dinala na sa crime laboratory ang natirang lambanog para masuri.

Nakuhanan na rin ng pulisya ng pahayag ang nagbigay umano ng lambanog sa mga tricycle driver. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.