Matinding trapiko naranasan sa inaayos na daan sa C5 Ortigas flyover | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matinding trapiko naranasan sa inaayos na daan sa C5 Ortigas flyover

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Dec 03, 2022 08:56 AM PHT

MAYNILA — Eksakto alas-10 ng gabi nitong Biyernes, sinara ang bahagi ng Pasig Boulevard at Ortigas Flyover sa C5 Pasig para sa road repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi muna madadaanan ng mga sasakyan ang isang lane sa mga flyover mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. simula nitong Disyembre 1 hanggang Disyembre 30 ngayong taon.

Ayon sa DPWH, ang mga maaapektuhan ng pagkukumpuni ay ang mga taga-south, partikular na ang papuntang Pasig, Mandaluyong, Pateros, at Makati.

Kaya matinding trapiko ang naranasan ng mga motorista Biyernes ng gabi.

ADVERTISEMENT
Malaking abala ito para sa truck driver na si Joel Sarmiento na inabot ng 3 oras sa kalsada.

Aniya, bago mag-alas 6 ng umaga, dapat ay makalabas na siya ng Taguig dahil mayroon silang truck ban.

Naipit rin sa daan ang pamilya ni Tina na galing pa ng Libis.

Kinuwestiyon niya kung bakit isinabay pa sa Christmas rush ang pagkukumpuni ng kalsada.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman ang motoristang si Jesirre Silvestre dahil matutugunan na ang mga sirang daanan na aniya'y delikado lalo na para sa kanilang nagmo-motorsiklo.

Paliwanag ng DPWH, kailangan na ng agarang aksyon sa mga sirang bahagi ng flyover dahil accident-prone ang existing expansion joints.

"Ang karaniwang naaaksidente dito is yung motorsiklo at yung mga 4 wheels. Nabubutasan yung kanilang mga gulong," ani Engr. Mac Montero.

"To lessen the accident po sa ating mga fkyovers, lalo na po ngayong magpa-Pasko, siyempre maraming babyahe at mag-uuwian sa kanilang mg probinsya. Ayaw natin umabot sa point na maaksidente sila at maging not passable itong road section. So ang DPWH ay ginagawa ang lahat."

Nag-abiso ang DPWH sa mga motorista na gumamit muna ng alternatibong mga daan para makaiwas sa inaasahang trapik sa lugar.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT