Repair sa bahagi ng C5 flyover sisimulan na sa Biyernes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Repair sa bahagi ng C5 flyover sisimulan na sa Biyernes

Repair sa bahagi ng C5 flyover sisimulan na sa Biyernes

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 01, 2022 07:59 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Abiso sa mga motorista. Maghanap na muna ng mga alternatibong ruta dahil magsasagawa ng rehabilitasyon sa southbound lanes ng C5 Ortigas Flyover and C5 Pasig Boulevard Flyover simula Biyernes ng gabi, Dis. 2, 2022.

Isang linya sa dalawang nabanggit na flyovers ang isasara simula 10 p.m. at puwede na ulit daanan pagsapit ng alas-5 ng umaga araw-araw, ayon kay Metro Manila 1st District Engineer Medel Chua.

"Araw-araw 'yun for 15 to 20 days siguro so target namin diyan mabuksan ng before Christmas, 19 usapan namin. I-open namin sa traffic though may kaunting curing pa 'yan," ani Chua.

Dagdag niya, 5 expansion joints sa Ortigas Flyover and 7 naman sa Pasig Blvd. Flyover ang nakatakdang ayusin mula Dis. 2 hanggang 30.

ADVERTISEMENT

"Iso-shorten po natin 'yun hangga’t maaga," aniya.

"Expected namin baka 31 mabuksan na 'yung flyover 'yung kalahating section. January na siguro gagawin 'yung kalahati ng tulay," dagdag niya.

Matapos ang repair sa C5 Flyover, EDSA Ortigas Flyover naman ang target kumpunihin sa susunod na taon.

"Mas malamang na mas mapaaga tayo. Malaking problem 'yung sa EDSA, 3 lane yun eh," sabi niya.

Nasa P12.9 milyon ang budget para sa repair ng 5 expansion joints ng C5 Ortigas Flyover, habang P18.7 milyon naman sa rehabilitasyon ng C5 Pasig Boulevard.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.