Bagong ATM cards para sa 4Ps, dinagsa ng 2,000 benepisyado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong ATM cards para sa 4Ps, dinagsa ng 2,000 benepisyado

Bagong ATM cards para sa 4Ps, dinagsa ng 2,000 benepisyado

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 08, 2019 12:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mala-pila sa takilya ang paghihintay sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Arlegui St., Maynila
na dinagsa ng mga benepisyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang palitan ang kanilang ATM cash transfer cards nitong Biyernes.

Layon ng 4Ps na mabigyan ng conditional cash grants o pinansiyal na ayuda ang mga mahihirap na pamilya para matulungan ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon lalo na ng mga bata.

Kahit na holiday, binigyang pagkakataon ng DSWD at Landbank na makapagpalit ang higit 2,000 benepisyado ng kanilang mga EMV card, dahil hindi na magagamit ang mga lumang card sa susunod na pag-withdraw nila ng pera.

Ilang oras pumila ang nasa 2,000 benepisyado, gaya ni Cristina Ocampo na nagaantay sa labas ng tanggapan bandang alas-12 ng tanghali, kahit alas-5 ng umaga pa siya nakapila.

ADVERTISEMENT

Aburido naman ang ilang may dalang bata tulad ni Rhina Rivera, na ilang beses nakiusap na isama sa priority lane pero hindi napagbigyan.

Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, maliit lamang ang tanggapan nila at masugid nilang sinesegurado ang pag-identify ng mga kumukuha ng bagong card kaya nagkaroon ng katagalan.

"Kinakailailangan kasi 'yung data nila consistent sa DSWD at sa Landbank, kailangang walang deviation kahit kaunti, lalo na po sa kanilang pirma dahil po ang binibigay nating cash card may laman ng suweldo po nila bilang sahod sa pagka-miyembro ng 4Ps," aniya.

Dagdag niya, 10 ang nakatalagang mag-duty mula sa Landbank para sa pagpapalit ng cash cards, pero tatlo lamang sa mga ito ang dumating.

Nasa 3,000 lamang sa 4 milyong miyembro ng 4Ps ang nakatakdang bigyan ng bagong cash card ngayon.

Bagaman mahaba ang pila, tiniyak ng DSWD na maibibigay ngayong araw ang cash card ng lahat ng nakapila.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.