ALAMIN: Paano pinipili ang mga matutulungan sa 4Ps | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano pinipili ang mga matutulungan sa 4Ps

ABS-CBN News
Published Sep 27, 2018 03:18 PM PHT

May halos 4.4 milyong Pilipino na maituturing na pinakamahirap sa bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mayroong mga programa ang ahensiya para magbigay sa kanila ng ayuda.

Ito ang pinaliwanag sa programang “Usapang de Campanilla” sa radyo DZMM nitong Miyerkoles.

Ani DSWD acting Secretary Virginia Orogo, binibigyan ng pansamantalang ayuda, halimbawa, ang mga Pinoy na hirap makaahon sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“['Yung mga magulang] na may sakit, hindi makatrabaho, 'yung anak, hindi makapasok. Mayroong mga beneficiaries na nasa kariton, nasa kalsada. Hinahanapan namin 'yan ng bahay, trabaho,” aniya.

Layon ng 4Ps na mabigyan ng conditional cash grants o pinansiyal na ayuda ang mga mahihirap na pamilya para matulungan ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon lalo na ng mga bata.

Kasama sa mga programa sa ilalim ng 4Ps ay ang libreng checkup para sa mga buntis at mga batang 5 taon pababa, pagpupurga ng mga batang 6 hanggang 14 taon gulang, at libreng edukasyon para sa mga bata mula preschool hanggang high school.

Para malaman kung sino ang mga dapat tulungan, sinusuri ng DSWD kung ang tao ay kabilang sa alin man sa mga sumusunod:

- Dapat residente ng mga pinakamahirap na munisipalidad, batay sa 2003 Small Area Estimates ng National Statistical Coordination Board.
- Ang pamilya ay maihahanay o hindi umaabot sa provincial poverty threshold.
- Ang pamilya ay may mga batang 0-18 taong gulang at may buntis na kamaganak sa panahon ng pagsusuri.
- Ang pamilya ay sang-ayon sa pagkamit ng mga kondisyon ng programa.

May ginagamit na pagsubok para itakda kung sino ang mga dapat tulungan, ani Orogo.

Kung hindi man kasama ang ilang pamilya pero tingin ng lokal na pamahalaan ay kailangan nila ng ayuda, maaari silang magbigay ng listahan sa DSWD ng maaaring benepisyuhan.

“Nagkaroon kami ng pag-aaral... Umikot ang ating mga kasamahan sa DSWD sa buong Pilipinas... Tinignan muna 'yung selected. We have a listing and pinag-aralan natin,” aniya.

Binibigyan din ng DSWD ng maliit na tulong pangkabuhayan ang mga mabebenepisyuhan nila sa programa.

Kinakailangan ding pumasok ang mga bata sa kanilang mga klase at magtamo ng 85% attendance kada taon para makamit ang ilan pang benepisyo tulad ng libreng bakuna.

Ayon kay Orogo, napuntahan na ng kanilang ahensiya ang higit 2 milyong katao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
DZMM
Pantawid Pamilyang Pilipino Program
conditional cash grants
Batas Kaalaman
Virginia Orogo
ayuda
4Ps
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT