Mga aktibista, di pinayagang umabot sa Mendiola | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga aktibista, di pinayagang umabot sa Mendiola

ABS-CBN News
Published Nov 30, 2017 10:13 PM PHT

Ikinagalit ng mga aktibista ang pagharang sa kanila ng mga pulis at tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naging dahilan para hindi sila makapasok sa Mendiola, Maynila.

Sa tinagal-tagal kasi ng panahon, teritoryo ng mga aktibista ang Mendiola o Chino Roces Bridge para pagdausan ng kanilang mga pagkilos.

Pero taliwas ito sa nangyari nitong Huwebes, kasabay ng ika-154 anibersaryo ng kaarawan ni Andres Bonifacio.

Noong umaga, may ilang aktibistang demonstrador ang nagtangkang sumugod sa Mendiola subalit hinarang ang mga ito ng mga tagasuporta ng Pangulo.

Hindi napakali ang mga demonstrador kaya naghanap sila ng ibang malulusutan para makaabante sa Mendiola.

Nauwi sa basaan at paluan ang dapat sana'y rally ng mga aktibista matapos harangin ng mga pulis ang kanto ng Loyola Street at Recto Avenue.

Nasa Mendiola din kasi ang mga tagasuporta ng Pangulo at layunin ng mga pulis na harangin ang mga aktibista upang maiwasan ang pagtatagpo ng dalawang pangkat, na may salungat na opinyon sa mga isyu gaya ng pagtatayo ng revolutionary government.

"Malinaw naman ang aming dinadalang mga issues dito, karaingan ito ng taumbayan na dapat sana'y ito ang pinagtutuunan na ng pansin ni Duterte," pahayag ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno.

"Iniiba niya 'yong usapan. Talagang dito kitang-kita na mas gusto niya 'yong isang gobyernong diktador, mamamatay-tao," ani Adonis.

Bukod sa revolutionary government, kabilang sa mga inirereklamo ng mga aktibista ang hakbang ni Duterte na pagtigil sa peace talks sa mga komunista.

Kabilang sa mga panauhin ng protesta si dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.

"Lupa, trabaho, karapatan ang ating panawagan. Hindi revolutionary government, hindi diktadura," ani Taguiwalo.

Samantala, hatinggabi pa lang nitong Huwebes, pumuwesto na ang mga tagasuporta ng Pangulo sa Mendiola.

Inumpisahan nila ang kanilang programa pagsapit ng umaga.

Naniniwala ang mga tagasuporta ng Pangulo na ang isinusulong na revolutionary government ang solusyon sa problema ng bansa sa katiwalian at ilegal na droga.

"Sinasamantala namin na may Duterte na, panahon na, pagkakataon na namin para naman kami'y makatikim ng mahusay-husay na pamumuhay," ani Severo Maningat, miyembro ng Masa Duterte Movement.

Ayon sa mga organizer ng rally, may mga pagtitipon din sa iba't ibang panig ng Plipinas at bang bansa para suportahan ang revolutionary government.

"Other revolutions are intended to topple a regime, this revolution is intended to empower a regime," ani Joel Obar, chairman ng People's Solidarity Federal Party of the Philippines.

Mas mapabibilis din umano ng revolutionary government ang pagsulong ng pederalismong gobyerno.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na isasailalim ang bansa sa revolutionary government bilang tugon sa mga destabilization effort ng kaniyang mga kalaban, pero kalauna'y binawi rin niya ito.

Sa ilalim ng revolutionary government, suspendido ang umiiral na Konstitusyon at ang kapangyarihan ng pagpapatakbo ng bansa ay mapupunta sa Pangulo.

Mababakante rin ang mga posisyon sa gobyerno dahil sa revolutionary government.

-- Ulat nina Doris Bigornia at Jasmin Romero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT