Mga pulis at anti-Duterte group, nagpang-abot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pulis at anti-Duterte group, nagpang-abot

Mga pulis at anti-Duterte group, nagpang-abot

ABS-CBN News

Clipboard

Nauwi sa basaan at paluan ang rally ng anti-Duterte group sa Recto, Maynila nitong Huwebes.

Hinarangan kasi ng mga pulis ang kanto ng Loyola Street at Recto Avenue upang maiwasan ang pagtatagpo ng anti-Duterte group at mga pro-Duterte group na nasa Mendiola.

Nagkaroon ng tensiyon at paluan dahil pinipilit umano ng mga raliyista na alisin ang harang ng mga pulis para makapunta sila sa Mendiola.

Pansamantalang humupa ang tensiyon at tulakan pero tuloy pa rin ang grupo sa kanilang programa at planong pagpunta sa Mendiola.

ADVERTISEMENT

Iginiit naman ng pulisya na paiiralin nila ang maximum tolerance sa lugar.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.