COA uusisain na ang vaccine procurement ng DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COA uusisain na ang vaccine procurement ng DOH

COA uusisain na ang vaccine procurement ng DOH

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

COVID-19 vaccination sa Bangkal, Makati, Agosto 18, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File 
COVID-19 vaccination sa Bangkal, Makati, Agosto 18, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File


MAYNILA — Sinabi ng Commission on Audit (COA) nitong Martes na hihingin na nila ang mga dokumento mula sa Department of Health kaugnay sa vaccine procurement nito, kasama na ang mga umano’y sakop ng non-disclosure agreement (NDA).

Ito’y kahit pa nauna nang sumulat sa kanila ang noo'y DOH Secretary Francisco Duque III na sinabing hindi sila makakapagbigay ng dokumento sa kanilang mga COVID-19 vaccine procurement dahil sa NDA.

Pero ayon kay COA chair Gamaliel Cordoba, sinabi ng kanilang legal office na hindi sila sakop sa NDA.

Dahil dito, muling hihilingin ng COA ang mga dokumento sa DOH. Kung hindi pa rin sila magbigay ng dokumento kasama na ang NDA, mag-i-issue na ang COA ng notice of suspension at notice of disallowance, kasama na rin ang iba pang legal process gaya ng subpoena.

ADVERTISEMENT

“Our legal office said that the COA is not bound by the NDAs... so ang amin pong gagawin magde-demand po kami,” ani Cordoba.

“Tuloy-tuloy po yon kasama na rin po yung other legal processes which may include issuance of a subpoena,” dagdag niya.

Humingi naman ng commitment si Sen. Risa Hontiveros na gagawin ng COA ang lahat ng kaya nito para ma-audit ang nasabing vaccine procurement ng DOH.

Sabi naman ni Corodba, hindi sila papayag na hindi ma-audit ang vaccine procurement.

Mismong DOH din aniya ang humiling ng special audit para sa vaccine procurement dahil hinahanap ito ng World Bank at Asian Development Bank na nagpautang sa bansa.

Samantala, inusisa rin ni Hontiveros kung magsasagawa ba ng audit ang COA kaugnay sa paghuhukay sa New Bilibid Prison alinsunod na rin sa hiling ng Department of Justice.

Sabi ni Cordoba, kapag nakuha nila ang official request mula sa DOJ ay agad silang mag-o-audit.

Ngayong umaga ay lumusot na sa committee level ang ad interim appointment ni Cordoba at sa hapon ay isasalang na ito sa plenaryo ng Commission on Appointments.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.