Ombudsman pinaiimbestigahan ang pagpapatupad sa pampano, salmon ban | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ombudsman pinaiimbestigahan ang pagpapatupad sa pampano, salmon ban

Ombudsman pinaiimbestigahan ang pagpapatupad sa pampano, salmon ban

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 28, 2022 08:34 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman kung bakit ngayon lang ipinatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbabawal sa pagbebenta sa mga palengke ng imported na isda, gaya ng pampano at salmon, na walang sertipikasyon.

Inanunsiyo noong nakaraang linggo ng BFAR na ipagbabawal na simula Disyembre 4 ang pagbebenta ng pink salmon at imported na pampano sa mga palengke at supermarket alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 195.

Itinuturing umanong ilegal ang mga isda dahil walang certificate of necessity to import ang mga ito.

Pero nais malaman ng Ombudsman kung bakit ngayon lang ipinatutupad ang utos gayong 1999 pa nilagdaan ang utos.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Nazario Briguera, chief ng information and fisherfolk coordination unit sa BFAR, makikipag-ugnayan sila sa Ombudsman kaugnay sa imbestigasyon.

Nilinaw ni Briguera na matagal nang pinatutupad ang utos at mas maghihigpit lang ngayon dahil dumarami ang mga reklamo ng mga lokal na mangingisda tungkol sa mga imported na isda.

"Masyado na saturated ang market ng imported. Kailangan i-regulate ang mga ganito. Nakakasama sa kabuhayan ng mangingisda," ani Briguera.

Ayon naman kay Westly Rosario, chairman for fisheries sa Professional Regulation Commission, makakabili pa rin ng pampano ang mga Pinoy kung pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang local aquaculture.

Sinimulan na kasi ang pagpaparami ng lokal na pampano sa ilang bayan sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT

Pero ang salmon ay hindi talaga umano puwede sa Pilipinas dahil sa temperate regions o malalamig na bansa lang ito nabubuhay.

Pulang sibuyas

Samantala, iniimbestigahan ng Department of Agriculture ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas.

Umabot na kasi ito sa P280 hanggang P300 sa ibang palengke sa Metro Manila.

Hindi pa kinokonsidera ng pamahalaan na mag-angkat ng pulang sibuyas, ani Agriculture Spokesperson Kristine Evangelista.

Bukod sa sibuyas, posible rin umanong tumaas ang presyo ng itlog dahil kumakaunti ang supply bunsod ng bird flu.

ADVERTISEMENT

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.