BFAR: Pagbebenta ng pink salmon, imported pampano sa mga palengke, supermarket ipagbabawal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BFAR: Pagbebenta ng pink salmon, imported pampano sa mga palengke, supermarket ipagbabawal

Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Nov 24, 2022 03:08 PM PHT
|
Updated Nov 24, 2022 07:47 PM PHT

Ipagbabawal na ang pagbebenta ng pink salmon at imported na pampano sa mga palengke at supermarket, sabi ngayong Huwebes ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Binitawan ng BFAR ang anunsiyo sa information driver sa Commonwealth Market sa Quezon City.

Sa katunayan, matagal nang ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga naturang isda sa mga supermarket at palengke dahil sa Fisheries Administrative Order No. 195 na nilagdaan noon pang 1999, ayon sa BFAR.

Batay sa utos, malalaking kompanya, mga hotel at restaurant lang ang maaaring magbenta ng mga ganitong klaseng isda.
Batay sa utos, malalaking kompanya, mga hotel at restaurant lang ang maaaring magbenta ng mga ganitong klaseng isda.
ADVERTISEMENT
Ayon pa sa BFAR, paraan nila ito para tulungan ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda at para tangkilikin ng publiko ang mga isdang nahuhuli sa bansa.

"Kapag na flood natin nagkaroon ng maraming pampano at maraming salmon, hindi na natin masa stabilize presyo natin at doon po kawawa naman maliliit na mangingisda natin because hindi sila nabibigyan ng opportunity na magbenta ng local products," ani Zaldy Perez, assistant director for administrative services sa BFAR.

Hanggang Disyembre 4 na lang papayagang magbenta ng imported na pampano at salmon sa mga palengke. Pagkatapos ng naturang petsa, kukumpiskahin na ng BFAR ang mga isda.

Problemado ngayon sina Ria Ramos-Secreto at Jelly Ann Habitan, na higit isang dekada nang negosyo ang pagbebenta ng salmon at papano sa palengke.

Mabenta anila ang mga isda lalo ngayong magpa-Pasko.
Mabenta anila ang mga isda lalo ngayong magpa-Pasko.
ADVERTISEMENT
"Back to zero kami. Ito lang ang product namin," ani Secreto.

"No choice kami, wala naman magagawa kundi sumunod sa gusto nila... sayang din ang kita. 'Yan ang gusto ng mga tao," ani Habitan.

Inaangkat ang salmon mula Norway at naibebenta sa bansa na nasa P900 kada kilo ang laman at P300 kada kilo ng belly. Nasa higit P200 naman ang pampano.

Maghihigpit din umano ang BFAR laban sa pagbebenta ng iba pang isda na walang permit.

Stable naman ang presyo ng ibang isda kahit closed fishing season na.
Stable naman ang presyo ng ibang isda kahit closed fishing season na.
ADVERTISEMENT
Nasa P180 ang kilo ng bangus, P140 ang tilapia at P240 ang local galunggong.

Ngayong Disyembre, inaasahang dadating na rin sa Pilipinas ang mga inangkat na isda, tulad ng galunggong, matangbaka at hasa-hasa.